Archive for April 17th, 2008
Summer sign
Isa sa gusto ko sa trabaho dito ay yung office location namin lalo na kung saan ako nakaupo. Ang ganda kasi ng tanawin sa labas..overlooking to Hamilton harbour. Dahil puro paperworks at nakatutok sa computer boung maghapon, i always rest my eyes from time to time. I just stand close to our window and look outside. Sky, sea, passing boats, green trees at mga bahay na nakapalibot sa maliit na bundok..yun ang tanawin. Relaxing di ba? As i’m in the 3rd floor, my officemates from downstair will just come up during their breaks para magmunimuni.
Ito yung view from our window:
At ito pa
Pero kanina di ko ini-expect na in an instant biglang magbago. Pagdating ko pa kasi ng umaga, ritual ko na yung magkape muna at magmunimuni dun sa may bintana bago simula magtrabaho.
Tapos after a couple of hours pagbalik ko dun sa bintana ito na yung bumulaga sa paningin ko! Wahhhhhh….Parang in an instant may mataas na building na itinayo. Tinakpan ang buong view ng harbour.
Simula pala kanina nagsidatingan na mga cruise ships dito sa Bermuda. Start na kasi ng summer. So the whole summer season from April to November ganito na ang view ng bintana ko. Pero oks lang, mas bibo kasi isla pag summer. Maraming turista, maraming outdoor parties at maraming happy hours promo sa mga bars.
Nakakaaliw din tingnan pag oras na parating o paalis na yung mga cruise ships. Puno yung roofdeck ng barko at kumakaway kaway yung mga turista na parang nanalo ng Miss Universe.
14 comments April 17, 2008





