Summer sign

April 17, 2008

Isa sa gusto ko sa trabaho dito ay yung office location namin lalo na kung saan ako nakaupo. Ang ganda kasi ng tanawin sa labas..overlooking to Hamilton harbour. Dahil puro paperworks at nakatutok sa computer boung maghapon, i always rest my eyes from time to time. I just stand close to our window and look outside. Sky, sea, passing boats, green trees at mga bahay na nakapalibot sa maliit na bundok..yun ang tanawin. Relaxing di ba? As i’m in the 3rd floor, my officemates from downstair will just come up during their breaks para magmunimuni.

 Ito yung view from our window:

At ito pa

Pero kanina di ko ini-expect na in an instant biglang magbago. Pagdating ko pa kasi ng umaga, ritual ko na yung magkape muna at magmunimuni dun sa may bintana bago simula magtrabaho. 

Tapos after a couple of hours pagbalik ko dun sa bintana  ito na yung bumulaga sa paningin ko! Wahhhhhh….Parang in an instant may mataas na building na itinayo. Tinakpan ang buong view ng harbour.

 

Simula pala kanina  nagsidatingan na mga cruise ships dito sa Bermuda. Start na kasi ng summer. So the whole summer season from April to November ganito na ang view ng bintana ko. Pero oks lang, mas bibo kasi isla pag summer. Maraming turista, maraming outdoor parties at maraming happy hours promo sa mga bars.

Nakakaaliw din tingnan pag oras na parating o paalis na yung mga cruise ships. Puno yung roofdeck ng barko at kumakaway kaway yung mga turista na parang nanalo ng Miss Universe.

Entry Filed under: ofw life. .

14 Comments Add your own

  • 1. madbong  |  April 17, 2008 at 7:12 am

    huwaw parekoy, kainggit yung view. tourist season na ba diyan? nga pala hindi ko na nagawa yung tag mo na teknorati, nung taym kasi nayun laglag yung broadband ko sa bahay ng isang linggo.

    Reply
  • 2. wei vines  |  April 17, 2008 at 12:28 pm

    wow~ ang gandaaa~ i always dream to sit in a window sill na ang view eh dagat.
    -
    Paranag gusto kong sumiksik dyan sa bermuda.. =)

    Reply
  • 3. MisyeL  |  April 17, 2008 at 12:44 pm

    You’re so blessed bro, ang gandang view naman nyan! Halos araw-araw kaharap mo ang ganyang tanawin, samantalang yung ibang tao dinadayo pa talaga lugar mo para lang makita ang isla. Gusto ko pumunta dyannnnnn!

    Reply
  • 4. islander2007  |  April 18, 2008 at 12:04 am

    @madbong, ngayong month na simula ang pagdagsa ng mga turista..kaso karamihang sakay ng cruise ships mga matatanda

    @ wei vines, natawa ako sa term mo, talagang sumiksik hah..

    @ misyel, yung Air Cannada may flight din dito…dito na kayo maghoneymoon…hehh

    Reply
  • 5. rio  |  April 18, 2008 at 3:44 am

    wow!! as in wow tlga ang view!!=)
    na add na po pala kita sa aking magulong blog roll…hehe=)

    Reply
  • 6. Joe Narvaez  |  April 18, 2008 at 9:19 am

    Astig ang view mula sa opisina mo ah. Para ka lang nagbabakasyon.

    Reply
  • 7. brotherutoy  |  April 18, 2008 at 2:13 pm

    grabeng view yan, pagkaganda!

    Reply
  • 8. R.J.  |  April 18, 2008 at 4:13 pm

    kulang na lang siguro naka-pambahay ka lang sa office at juice ang iniinom. para ka na rin nakabakasyon. hehehe ganda ng view. =D

    Reply
  • 9. islander2007  |  April 19, 2008 at 4:39 am

    doc rio, joe, brotherutoy,R.J

    sa totoo lang halos ganito ang view sa buong isla…kaya kahit mas prefer ko to work in mega cities mukhang dito lang muna ako..kakaiba kasi…

    Reply
  • 10. jeck  |  April 19, 2008 at 7:55 am

    ang relaxing ng view. ayos ah. parang gusto ko tuloy i-print yung pics na yan ng billboard size tapos ididikit ko sa dingding ng opisina namin. ang saya. haha
    medyo panira yung cruise ship. kung ako nandyan babatuhin ko sila ng bote, pag sinita ako sasabihin ko nagpapraktis akong mambasag ng bottle of wine sa mga bagong ships. hehe

    Reply
  • 11. islander2007  |  April 19, 2008 at 4:06 pm

    hhehh..ayus yung suggestion mo ahh..di ka nag-iwan ng link para mai-add kita?

    Reply
  • 12. Ely  |  April 20, 2008 at 5:35 pm

    ganda ng view ah! kahit barko maganda pa rin (palibhasa walang barko sa bundok) hehe

    Reply
  • 13. jeck  |  April 20, 2008 at 11:56 pm

    thank you sa pag-add sa links parekoy. add din kita. :D

    Reply
  • 14. R.J.  |  April 21, 2008 at 3:00 am

    jeck,

    eh malay mo cruise ng ‘fashion tv’ yun, eh di okey na okey. hahaha! =D

    Reply

Leave a Comment

hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Visitors

Archives

Recent Posts

Blogroll

fave site

 

April 2008
M T W T F S S
« Mar    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Add to Technorati Favorites

Feeds