Archive for April 22nd, 2008

Usapang Trabaho Part 2

Bago ang lahat, pasalamatan ko muna ang nag-iisang Reyna Elena sa blogosphere sa pag nominate sa akin para sa kanyang social climber of the week contest…kung gusto nyo akong iboto na hala punta lang kayo dito  at dito at ito pa…heheh dami na ng link ha baka maligaw pa kayo.

Back to my previous entry, gusto ko lang linawin na hindi lang limited sa mga trabaho na yun ang pwedeng aplayan online dito. Yun nga lang ang karamihan.

Ngayon naman, isulat ko na din yung mga trabaho ng mga Pinoy dito na bihira or hindi mahagilap online. Yung tipong referrals lang. Kaya ang mga matagal na dito ang dami na nilang magkamag-anak. May iba nga halos buong pamilya na ang andito.

Nanny/Househelpers/Caregiver

Karamihan sa mga employers nila either mga matanda or working couples mostly expats din. Hindi sila kumukuha ng agency sa Pinas. Based on recommendations lang at sila na mismo ang mag asikaso ng work permits sa immigration. Dito ko lang naramdaman na parang cool ang pagiging katulong. Naawa kasi ako sa mga kwento ng mga karanasan nila nung nasa Dubai pa ako.

Dito they have two options either stay in or leave out. Though hindi ko isa isang alam ang sahod ng lahat kasi depende pa rin sa employer. Merong galante at meron namang kuripot. But more or less, pag stay in around $300.00 a week ang sahod. Some will provide food allowance pa.  Pag leave out naman at least di bumaba ng $500.00 a week.

Isa pa ang luwag lang ng schedule. Karamihan from Monday to Friday lang ang duty from 8:00 AM to 5:00 in the afternoon. Parang de-opisina lang. Pag sumobra na sa oras, aba per hour na ang bayaran. Walang libre libre! Tuwing Sabado o Lingo, hataw naman sila sa part time. Babysitting, linis ng ibang bahay, plantsa kahit anong raket. At ang bayaran, $25 per hour!! At least worth ang pinagpaguran.

Mechanics/Welder/Technician

Again ang mga nahire nito recommendation lang din sa mga existing na Pinoy staff. Per hour din ang sahoharan at ang laki. Nasa $20.00 to $30.00 ang per oras.

Aside from the jobs mentioned, meron din mga farm workers, personal butlers, at kung ano ano pa.

 

 

10 comments April 22, 2008


Visitors

Archives

Recent Posts

Blogroll

fave site

 

April 2008
M T W T F S S
« Mar    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Add to Technorati Favorites

Feeds