Usapang Trabaho Part 2

April 22, 2008

Bago ang lahat, pasalamatan ko muna ang nag-iisang Reyna Elena sa blogosphere sa pag nominate sa akin para sa kanyang social climber of the week contest…kung gusto nyo akong iboto na hala punta lang kayo dito  at dito at ito pa…heheh dami na ng link ha baka maligaw pa kayo.

Back to my previous entry, gusto ko lang linawin na hindi lang limited sa mga trabaho na yun ang pwedeng aplayan online dito. Yun nga lang ang karamihan.

Ngayon naman, isulat ko na din yung mga trabaho ng mga Pinoy dito na bihira or hindi mahagilap online. Yung tipong referrals lang. Kaya ang mga matagal na dito ang dami na nilang magkamag-anak. May iba nga halos buong pamilya na ang andito.

Nanny/Househelpers/Caregiver

Karamihan sa mga employers nila either mga matanda or working couples mostly expats din. Hindi sila kumukuha ng agency sa Pinas. Based on recommendations lang at sila na mismo ang mag asikaso ng work permits sa immigration. Dito ko lang naramdaman na parang cool ang pagiging katulong. Naawa kasi ako sa mga kwento ng mga karanasan nila nung nasa Dubai pa ako.

Dito they have two options either stay in or leave out. Though hindi ko isa isang alam ang sahod ng lahat kasi depende pa rin sa employer. Merong galante at meron namang kuripot. But more or less, pag stay in around $300.00 a week ang sahod. Some will provide food allowance pa.  Pag leave out naman at least di bumaba ng $500.00 a week.

Isa pa ang luwag lang ng schedule. Karamihan from Monday to Friday lang ang duty from 8:00 AM to 5:00 in the afternoon. Parang de-opisina lang. Pag sumobra na sa oras, aba per hour na ang bayaran. Walang libre libre! Tuwing Sabado o Lingo, hataw naman sila sa part time. Babysitting, linis ng ibang bahay, plantsa kahit anong raket. At ang bayaran, $25 per hour!! At least worth ang pinagpaguran.

Mechanics/Welder/Technician

Again ang mga nahire nito recommendation lang din sa mga existing na Pinoy staff. Per hour din ang sahoharan at ang laki. Nasa $20.00 to $30.00 ang per oras.

Aside from the jobs mentioned, meron din mga farm workers, personal butlers, at kung ano ano pa.

 

 

Entry Filed under: ofw life. .

10 Comments Add your own

  • 1. reyna elena  |  April 22, 2008 at 4:17 am

    thanks guapo! meron ka ba ditong about you and you and you? wala lang, gusto ko lang malaman kung pano ka napadpad sa bermuda na indi ka man lang dumaan samen heheh

    Reply
  • 2. wei vines  |  April 23, 2008 at 1:54 am

    referrals lang talaga yung mechanics? welder? at technician? interesado ako… interesado akong dyan na lang lagay ang daddy ko :lol:

    Reply
  • 3. Lyzius  |  April 23, 2008 at 7:50 am

    pano pupunta jan bro? visit visa din ba o kelangan me offer ka na? laki pala noh? lalo lang nanliliit ang tingin ko sa mga trabaho dito sa dubai… akalain mo nanny kasinglaki na ng sahod ko dito eh engineer na ako…huhuhu…batakan pa sa work wlang overtime pay…huhuhu

    Reply
  • 4. madbong  |  April 23, 2008 at 9:40 am

    ayus, pwede mo ba kong ihanap ng employer bilang nanny? hehe. kwentuhan mo naman kami ng mga tsiks mo jan

    Reply
  • 5. islander2007  |  April 23, 2008 at 10:53 pm

    @reyna elena, kala ko nanay ko lang nagsabi na gwapo daw ako may iba din pala..hihihi

    @wei vines, hindi kasi sila kumuha ng recruitment agency kaya sa mga emoployee lang din nila magtanong tanong kung may mai-recommend ba

    Reply
  • 6. islander2007  |  April 23, 2008 at 11:03 pm

    @lyzius, hindi uso ang visit visa dito. Dapat may working offer ka na bago punta dito. Working permit lang ang kailangan hindi visa. Ang employer na ang mag-asikaso, once issued from immigration ipadala nila ang original copy at yun lang ang hawak mo tp enter Bermuda. Hindi ko nga akalain na ang laki pala ng sahoran dito, take note yung binanggit ko na sahod for 1 week lang yun hindi monthly.

    Reply
  • 7. islander2007  |  April 23, 2008 at 11:04 pm

    pareng madbong, sige hanapan kita dito yung big fat ass mama..heheh ayoko magkwento ng ganun may nagbabasa sa blog ko baka dahilan pa yun ng world war….heheh

    Reply
  • 8. Edregin  |  April 24, 2008 at 10:48 am

    -eto na ang inaantabayan ko nahuli naman ako…ano valah!??! :)
    brotherhood, anong work ba yong sa farm? meron bang yong tipong pang agronomist or agriculturist? hinahanapan ko work sister ko eh :)

    -add kita link ko ha? thanskie valalah!

    Reply
  • 9. islander2007  |  April 24, 2008 at 5:38 pm

    add din kita mamaya after ng duty ko…lahat ng noypis dito sa farm puro mga lalaki eh..i bet puro labor works lang sila

    di ako maka iwan ng comment sa blog mo, wordpress kasi ako

    Reply
  • 10. Edregin  |  April 25, 2008 at 6:41 am

    Ay! puro ek ek pala…ako nalang apply dyan pwede ako labor works sa farm..wehehehe…

    Diko napansin na restricted pala yong comments ko, naayos ko na bro…sana tama ang editing ko, ehehehe’

    Neway, ala naba part 3 ito? ;)

    Reply

Leave a Comment

hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Visitors

Archives

Recent Posts

Blogroll

fave site

 

April 2008
M T W T F S S
« Mar    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Add to Technorati Favorites

Feeds